Sangang – Daan

Sa buhay ng tao’y hindi maiiwasan,
Sangang-landasin tiyak madaraanan;
Samu’t -saring desisyon ang dapat pagpilian,
Iba’t-ibang aspeto marapat isaalang-alang,
positibo man o negatibo, ito’y kailangang pahalagahan.

Isa lang naman talaga ang tunay na mahalaga,
‘pag itong sangang -daan ika’y kinompronta,
PILIIN ANG TAMA, GAWIN ANG MABUTI,
tumpak na pagpapasya’y dito nahahabi.

Sangang-daan tunay na ‘di mapapasubalian,
Matatag na pagkatao’y dito nabubuo,
Matibay na paninindiga’y tiyak masusumpungan
kaya naman sa Sangang – Daan na ito,
ika’y tumahak na aking katoto na taas ang noo…

Sulong…

Hayo na….

Sa Sangang – Daa’y tibayan ang dibdib

H’wag kang matakot aking kapatid…

Pag-ibig Ko ang sa’yo’y titigib.

— Yeshua

4 Comments to “Sangang – Daan”

  1. it’s good naman ah. medyo korni but not that much. and i love it anyway. ❤

  2. hai. kornix ba?! gawa kasi ni monix eh…:(

  3. hindi ko din alam bigla na lang lumabas jan eh.

Leave a comment